Custom Search

About Me

My photo
Baguio, Philippines
♥simple ♥chubby? ♥shy type ♥Graduate Nurse ♥soon to be REGISTERED NURSE nakz! ♥creative ?...hehe ♥wants to play childish pc games... ♥chinita daw

try this!

ipod touch!

Tuesday, July 1, 2008

i miss my group today....hehehe...
Ang group D ay mahilig kumain, mamasyal, uminom....ng coke?ehem.
Nagduduty sa lahat ng sulok ng Norte...Atok, Bethany, ITRMC, BGH, BeGH at kung saan saan pa...
Nakasaksi ng panganganak, nakasaksi din ng pagkamatay....
Minsan may attachment pa sa patients, Mr. Dengue saan ka na daw sabi ni bunny face ko.
Mahilig sa buhangin at tubig na maalat...
Sa Baluarte mag picture picture tayo
Sa Vigan sumakay tayo ng kalesa
Takas moments sa security guard ng High alt....bumili lang po ng pandesal (pero may dalang twalya, at basang basa ang mga buhok...)
Tol, pahiram naman ng eraser....black pala ang dapat sa charting, red pen yung nagamit ko...akala ko makakatulog na ako ulit..huhuhu.
Yung isa nag duduty, kahit isang paraphernalia wala siyang dala...buti nalang hindi strict si ma'am...
Yung isa naman Ms. headnurse, kakaimpress naman ang pag organize sa time para sa break... 3am break na ang group 1... "group 1 ako ha....sabi ni ms. headnurse..hehehe
Yung isa naman ako din gutom na...masakit na tyan ko..ahihihi peace tayo mga kapatid..
Mahilig kumain ng ice cream...lalo na yung isang taong mahilig kumain ng matamis.
Yung isa naman magyayaya lumabas para lumangoy nanaman...nasaan ang karagatan?
Pero asan nga ba ang TLC
Nasa loob ng hospital....
Good morning Sir, ako po ang student nurse ngayon, aalagaan ko po kayo ng 3 araw..
Andito lang po ako sa tabi nyo kung may kailangan po kayo... naks...julalai,hahaha
pero that's our work...at hindi lang ito work...ginagawa natin ito dahil concern tayo sa mga patients na hawak natin...that's our life... mag ayos ng unit, mag mop to promote the environmental sanitation para din sa well being ng patient. Mag palakas ng patient na umaayaw na. Mag prepare ng gamot na hindi sumasablay...wag sana tumalsik ang plunger please...hehehe...Mag bigay ng tamang gamot sa tamang patient... Assit the doctor inside the delivery room, doc pa try naman mag i.e....3cm palang, anu ba yan hindi na natin makukuha case, next shift na kasi manganganak si mommy primi...huhuhu....
Magpaligo na ng baby, bakit hindi umiiyak si baby? kulay blue na sya...oh my gudness, inaambu bag na...APGAR score 5 ba?
Hayyyyy...marami pang iba, excited na ako mag work talaga! Gusto ko makasama kayo sa trabaho... miss u guys!

0 comments: